Matapang at may pinaninindigang prinsipyo si Biboy Banal, ngunit malimit itong mapasok sa mga basag-ulo.
Ganoon pa man, hindi nagkukulang ang ama nitong si Maning at ang kapatid nitong si Ellen sa pangaral. Hanggang sa mapatay ang kanyang ama na siya ang naging saksi.
Buong tapang na isiniwalat ni Biboy sa mga awtoridad ang nalaman niya sa krimen.
Dahil dito ay nalagay sa panganib ang buhay nilang magkakapatid hanggang sa ito ang naging sanhi ng pagpaslang kay Ellen.
Dahil sa kawalang tiwala sa sistema ng pamahalaan at sa pagnanasang mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng kanyang ama at kapatid, nagpasya si Biboy na ilagay ang batas sa kanyang mga kamay.
Sa dakong huli ang sagupaan ng mga corrupt na alagad ng batas at ni Biboy. Siya at ang matuwid na alagad ng batas na si Lt. De Vera ang nagpabagsak sa labanan na ang naging wakas ay katarungan at kamatayan.
Post a Comment